Showing posts with label Grand Iftar. Show all posts
Showing posts with label Grand Iftar. Show all posts

Tuesday, August 5, 2014

Pabuka sa mga munisipyo ng Sarangani, matagumpay

Ni April Jane Cagas Ugsad

ALABEL, Sarangani (Agosto 4, 2014) — Matagumpay ang isinagawang pabuka (iftar) ng Probinsya ng Sarangani sa mga munisipyo nito kasabay ng pagtatapos ng Ramadan.

Unang pagkakataon na nagkaroon ng pabuka sa mga munisipyo sa ilalim ng Sulong Sarangani flagship program ni Governor Steve Chiongbian Solon.

Ang pabuka o breaking of the fast ay ang pagsalo-salo ng mga kapatid na Muslim sa hapunan sa loob ng buwan ng Ramadan.

Namahagi rin ang probinsya ng mga sakong bigas sa lahat ng mga madrasah o Muslim school para magamit sa katatapos lang na Eid’l Fitr o katapusan ng pag-aayuno.

Inikot ng Sulong Kapayapaan team ang buong lalawigan para masabayan ang mga pabuka sa mga munisipyo at maihatid ang kaunting tulong sa mga madrasah.

Malaki ang pasasalamat ng mga imam, ustadz, religious at community leader sa hakbanging ito ng provincial government.

Ayon kay Imam Nasser Ukom ng Barangay Domolok, Alabel, “libu-libo po ang pasasalamat naming mga Muslim dito sa Domolok kina Gov. Solon sa kanilang ibinigay na bigas.”

“OK itong ginawa ni Gov. Solon kahit noong siya ay vice governor pa. Malaki ang aming pasasalamat dahil ipinagpatuloy niya ito bilang pagmamahal niya sa aming mga Muslim,” ang sinabi ng mga ustadz ng Barangay Calabanit, Glan.

Una nang binati si Governor Solon ni Secretary Yasmin Busrao-Lao ng National Commission on Muslim Filipinos na pangunahing pandangal ng Grand Iftar ng Sarangani noong Hulyo 18 sa Capitol Gym na “kahit hindi siya Muslim, para na rin siyang Muslim.”

Ipinagmalaki ni Secretary Lao ang naririnig niyang kahanga-hangang pamumuno ni Governor Solon na kumikilala at tumutulong sa lahat ng relihiyon, pangkat at kultura na naninirahan sa probinsya.

“Sa narinig ko, ang pakiramdam ng mga Muslim dito sa Sarangani ay mayroon silang Muslim na lider,” sabi ni Secretary Lao. “And that’s the best of what leadership can do,” dagdag niya.

Ayon kay Jasmin Casim na taga-Barangay Pangyan, Glan, “kahit umuulan, dumalo pa rin si Gov. Solon dito sa aming lugar. Malaki ang pasasalamat namin sa programa ng Sulong Sarangani.”

Ang mga pabuka ay naging matagumpay dahil sa malaking tulong nina Congressman Manny Pacquiao, Vice Governor Jinkee Paquiao at mga Sangguniang Panlalawigan members. (April Jane Cagas Ugsad/PROVINCIAL GOVERNOR’S OFFICE)

Thursday, July 31, 2014

Women celebrate Eid al-Fitr


MAITUM, Sarangani (July 31, 2014) – Women prepare to offer prayers outside the municipal hall Monday, July 28, on the occasion of Eid al-Fitr. (Afren de Guzman/MAITUM INFORMATION OFFICE)

Eid al-Fitr prayers in Maitum

MAITUM, Sarangani (July 31, 2014) – Muslims offer prayers in front of the municipal hall Monday, July 28, on the occasion of Eid al-Fitr. (Afren de Guzman/MAITUM INFORMATION OFFICE

Friday, July 25, 2014

Sarangani hosts Pabuka in Muslim communities


GLAN, Sarangani (July 25, 2014)) - The provincial government of Sarangani, through the leadership of Gov. Steve Chiongbian Solon, organizes an Iftar (Pabuka) around Muslim communities of Sarangani in observance of the celebration of Ramadan, through the Sulong Sarangani program of Gov. Solon in partnership with Cong. Manny Pacquiao, Vice Gov. Jinkee Pacquiao and the board members. The 6th Grand Iftar was celebrated last week in Sarangani gymnasium in the presence of Sec. Yasmin Busran-Lao of the National Commission on Muslim Filipinos. (Kim Windell Tiblani/PROVINCIAL GOVERNOR’S OFFICE)

Gov. Solon takes part in Pabuka


GLAN, Sarangani (July 25, 2014) - Despite the bad weather, Gov. Steve Chiongbian Solon reached out to the Muslim community in the far-flung barangay of Pangyan to take part with their Pabuka in observance of the Holy Month of Ramadan. Pabuka (Iftar) or breaking of the fast is celebrated every 6 o’clock in the evening where dinner is shared together. The provincial government of Sarangani gave out Pabuka to Muslim communities around Sarangani, through the Sulong Sarangani program of Gov. Solon in partnership with Cong. Manny Pacquiao, Vice Gov. Jinkee Pacquiao and the board members. (Kim Windell Tiblani/PROVINCIAL GOVERNOR’S OFFICE)

Wednesday, July 23, 2014

Kalihim ng National Commission on Muslim Filipinos, pinuri si Gov. Solon

ALABEL, Sarangani (Hulyo 22, 2014) - Matagumpay muli ang pagsasagawa ng Sarangani Province ng ika-anim na taon ng Grand Iftar dinner nitong ika-18 ng Hulyo sa Provincial Capitol Gym.

Dumalo rito ang daan daang Muslim employees ng kapitolyo, religious at community leaders, Azatids, Imams, mga ka-partner sa pagpapalaganap ng kapayapaan, mga lider ng mga munisipyo, barangay, at maging ng mga panauhin mula sa iba’t ibang lugar kagaya ng kalapit na Syudad ng Heneral Santos.

Bago nagsimula ang Iftar o “breaking of fast,” sabay sabay munang nagdasal ang mananampalatayang Islam para ipagpasalamat ang mahalagang okasyon.

Napakinggan din ang mga mensahe mula sa mga taga tagapagsalita.  Naging makabuluhan ang mensahe ng keynote speaker na si National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Yasmin Busran-Lao.  Ayon sa kalihim, hindi kailangang magarbo ang paggunita ng Ramadhan.  Hindi ito panahon kung kailangan dapat maging enggrande ang ihahain sa hapag-kainan.  Sa halip, aniya, isaisip at isapuso ang tunay na diwa ng pag-aayuno.  Maliban sa pagdarasaI, dapat umanong maging tapat sa sarili sa mga nais baguhin sa sarili para sa kabutihan.  Pero ayon kay Lao, hindi lang tuwing panahon ng Ramadhan ito ginagawa kung hindi araw-araw.

Sa pagpapatuloy ng kanyang mensahe, binigyang diin ni Secretary Lao ang mga mabubuting ginagawa ngayon ng probinsya sa pamumuno ni Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon. Hinahangaan niya ang direksyong nais tahakin ng gobernador na maging isang “God-centered” ang pag-unlad ng probinsya. 

Sabi pa ni Lao, hindi raw siya nagdalawang isip na tumugon sa imbitasyong maging tagapagsalita sa Grand Iftar ng probinsya dahil sa magaganda umano ang kanyang naririnig tungkol sa mga ginagawa ng gobernador.

“Bihira para sa isang lider na maging sensitibo sa mga pangangailangan ng magkakaibang pangkat ng tao sa isang lugar.  Ang inyo pong gobernador, ay nakikinig sa inyong mga pangangailangan at gumagawa ng mga hakbang sa pamamagitan ng mga proyektong tiyak na makatutulong sa mga komunidad,” ayon kay Lao.

Ang Sarangani ay may iba ibang lahi at tribung nakatira.  Sa mga naririnig umano ni Lao, mapa-Muslim man, Lumad o Kristiyano, ramdam umano ng mga tao na kaisa nila ang gobernador at kabilang sa kanilang pangkat.

Dahil napapanahon, inihalimbawa ang pagsuporta ni Gov. Solon sa Madaris Program ng buong probinsya.  Sa kasalukuyan, nasa tatlong libo at limang daang piso ang honorarium ng bawat madaris facilitator.  Nasa isang daan at dalawampu’t lima ang kanilang bilang.  Ang Madaris facilitators ang siya ring tawag sa Madrasah teachers.  Pero may hakbang na muli para madagdagan pa ang pondo para sa programa, na suportado nina Vice Governor Jinkee Pacquiao, Congressman Manny Pacquiao, kabilang na ang lahat ng board members ng Sangguniang Panlalawigan.

Matatandaang sa unang pagkakataon din, nabuo ang Province of Sarangani Muslim Employees Association o PROGSARMEA para sa kapakanan ng mga empleyadong Muslim sa probinsya.  Nanumpa ang mga ito noong 2013.

Ngayon, nais ni Gov. Solon na maituloy naang pagbuo ng Azatids federation para mas maging matibay pa ang programa ng Madaris ang masustena ito. (Charito Ansagay/PROVINCIAL GOVERNOR’S OFFICE)

Monday, July 21, 2014

Secretary Lao is Grand Iftar speaker


ALABEL, Sarangani (July 21, 2014) - Gov. Steve Chiongbian Solon warmly welcomes the guest speaker, National Commission on Muslim Filipinos Secretary Yasmin Busran-Lao, during the 6th Grand Iftar in Sarangani on July 18. Iftar means breaking of fast during the Holy Month of Ramadhan.  Sec. Lao is known for her advocacy and her valuable contribution to peace and development, good governance and gender rights.  The secretary praised Governor Solon for his support to the tri-people in Sarangani. She said that not all leaders are sensitive to the needs of his people especially where there are different tribes living. (Kim Windell V. Tiblani/PROVINCIAL GOVERNOR’S OFFICE)

PROGSARMEA hosts Grand Iftar


ALABEL, Sarangani (July 21, 2014) – The Provincial Government of Sarangani Muslim Employees Association (PROGSARMEA) and Sulong Kapayaan or Kalinaw Sarangani program of Governor Steve Chiongbian Solon host the 6th Grand Iftar with the theme “Discover the Treasures of Ramadhan” held at Capitol gymnasium Friday, July 18. The Grand Iftar was participated in by Muslims elders and Madaris facilitators and to observe the social value of fasting. (Jake T. Narte/SARANGANI INFORMATION OFFICE)

Officers of Sarangani Madaris Federation and PTA installed


ALABEL, Sarangani (July 21, 2014) – Gov. Steve Chiongbian Solon facilitates the oathtaking of the officers of Sarangani Madaris Federation and Parents-Teachers Association from each municipality during the 6th Grand Iftar on July 18. They pledged to be part of the development of the Muslim community in Sarangani as well as the Madaris program. (Kim Windell V. Tiblani/PROVINCIAL GOVERNOR’S OFFICE)

Governor Solon joins 6th Grand Iftar dinner


ALABEL, Sarangani (July 21, 2014) - Governor Steve Chiongbian Solon acknowledges Muslim elders during the 6th Grand Iftar dinner held at Capitol gymnasium Friday, July 18. (Jake T. Narte/SARANGANI INFORMATION OFFICE)